|
Thursday, May 06, 2004
MOTHERS DAY
hmm..happy mother's day sa mga mommy niyo!!!! ewan ko ba.. parang gusto kong ibili si nanay nang gift para maparamdam sa kanya na sobrang love ko siya.. but i realized, material things arent the important things for our mothers.. ang mas pinahahalagahan nila eh yung mga actions na pinapakita natin sa kanila. kaso ang dami kong nagawang hindi maganda sa kanya this week eh. lagi ko siyang nasisigawan at pinapagalitan imbis na akong anak niya ang ginaganun niya. eh kasi ang tigas naman nang ulo niya minsan eh. hay .. ang hirap magpalaki nang magulang(heheheh).... pero kahit naman ganun ako sa nanay ko, siyempre mahal na mahal ko pa rin yun noh! kahit anong mangyari, nasa tabi pa rin niya ako.. mawala na lahat-lahat sa kin wag lang siya. minsan, nag away kami sa maliit na bagay tapos aawayin ko siya at minsan siya pa ang iiyak, pero sa dulo, pag sisisihan ko at mag sosorry ako. hindi naman sa lahat nang bagay eh may karapatan akong husgahan siya diba? pero mostly, i tend to forget apologizing to her kasi minsan, pusong bato rin ako... ma pride .. lahat nang nagagwa ko eh pinag sisisihan ko naman diba? tao lang naman ako.. kaya kapag may mali akong nagagawa, im trying to make other good things for her para ikatuwa naman niya at para maging proud naman siya sa kin.. love you nanay! ~out~ lenny at 9:47 PM | Comments ****** |
.:*PERFIL*:.
![]() |